<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d3646811250473280944\x26blogName\x3dSimply+Me,+Jennie\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dSILVER\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://jennienebalga.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jennienebalga.blogspot.com/\x26vt\x3d-9021845485633414454', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
jennienebalga @blogspot.com ♥
Wednesday, March 18, 2009


Caption: By aussiegall on Flickr

Hayzz! Oo nga naman 1st love never dies isang gabi napanaginipan kona naman ang aking first love, haizz mahal na mahal pa niya ako doon sa panaginip ko ( sana panaginip na lang ang lahat). Ang pang-gulo nga lang nagising na ako kasi may pasok pa non…

Napagisip-isip ako may girlfriend na nga pala siya ngayon, naalala pa kaya niya ako?

Ang aking first love ay classmate ko nong elementary, pinagtutuksuhan pa nila kami ika nga childhood sweethearts ang tawag sa amin pero ako isang pacute type nong kabataan, palihim ng nagkakagusto sa kanya, kaya noong grade 6 kami nagkakaasaran na bagay daw kaming dalawa at niligawan niya ako hayzz.. shempre bata pa ako non siganot ko na kaagad siya noh! Haha wala pa sa isip ko yang pagboboyfriend pero mahal ko eh wala na kong magagawa.. :p

Hindi na nagtagal nawala na rin ng communication dahil mas pinapanigan o lagi akong nakadikit sa bestfriend ko kaya ayon nag-break kami..

Parang nakakalito nag ang sitwasyon, pagkatapos maghiwalay, magbabalikan tapos hiwalay again sabi ko na lang sa sarili ko hindi diya para sa akin pero mananatili siyang FIRST LOVE KO!

Sa ngayon 4th year high school na ako wala pa ring boyfriend shempre bawal hehe gawa ng parents eh! Hehe pag mayroon na lang daw akong matatag na trabaho at kayak o ng buhayin ang sarili ko at matutulungan ko na ang aking mga magulang at kapatid ko, at saka na lang humanap ng boyfriend na papaligayahin ako at shempre tanggap ng magulang ko at kaya niya kaming buhayin ng magiging anak naming (hehe echos! Ang drama ng buhay eh)

So till now magkakaibigan kami ngayon ng mga classmates ko ng elementary para ngang magkakapatid ang turingan namin eh! Sina Alyssa na nasa St. John, si Paul na kasama ko ditto sa Bayside, si Kambal, John and Joseph sa Jesus is Lord, Jerome sa CCA, Vincent o Bong ang tawag naming di ko alam kung saang school pero nakikita pa rin kami at si Mark wala na akong balita kung nasaan na siya hindi na kasi nagpaparamdam hehe :)

Ang dami na ngang nagtatanong sa akin kung bakit hindi pa ako nagboboyfriend at kikilatisin daw nila kung pwede na siya para sa akin at hindi niya ko papaiyakin, ang sabi ko lang “Hindi pa niya ako nahahanap eh kasi ang bagal niya! Alangan naman na ako pa ang maghanap sa kanya hehe!

Ineenjoy ko lang maging “single lady” haha! Pero hanggang kalian kaya ako magtatagal noh? Marami naming boyz diyan na pwedeng maging crush ko lang haha!

Pero kahit gaano man kadaming lalaking nagiging crush ko (kasi ang popogi nila!) nagiisang si _ _ _ _ lamang ang First Love Ko! Yay! =D

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Monday, March 16, 2009


1st time kong magcamping sa malayong lugar, at nagustuhan ko na kaagad sumama dahil ibang version ito ng camping kasi maninirahan kami sa mga bahay oo tama pagkabasa mo BAHAY ng taga cabuyao, hehe kakaiba noh!

Kasama ko si Joyce ng MAK (Mga Algad ni Kristo), bale siya ang step sister ko don! hehe ang taray noh!

Eto nga pla yong logo ng nasabi kong camping! Ganda noh.. hehe si Kuya Jayson ang nagdesign niyan mayroon pa nang ibang version at kulay eh!

San Pablo Youth Commission District II.. compose ito ng ibat ibang parokya ng distrito II mababasa niyo yon sa tabihan ng logo.. (hindi mashadong makita kasi maliit ang picture)Pero nandyan yon heheh


Ang saya dito! marami kang activities na magagawa! Na di mo talaga tatangihang gawin..shempre minsan lang ito noh.


Caption: By Kuya Jayson

Isa yan sa mga obstacles na nadaanan ko nong camp namen, kakaiba noh.. ang kati kati pa ng mga damo!




Caption: By Kuya Kenneth

By group yang ginagawa namen..hehe nagdarna ako dan haha aba di ko naman alam na pipikturan ako ni Kuya Kenneth eh! ;p




Caption: By someone =D

Batuhan naman yan! ang sakit nga sa katawan eh..




Kakatapos lang manggaling lahat sa batuhan na napakasakit sakit! ouch. Sila nga pla ung mga kagrupo ko sa Lakbayan Camp.



Caption: By Kalakbay

Ang panget ko na diyan sinubsob ko na ang pagmumukha ko dyan sa putikan para di mahagip ng ulo ko ung tali sa taas! hehe (dungis mo na neng!)





Gabi na! tapos na ang activities namen picture muna!







Kakatapos lang kumain ng heavy last lunch namin sa camp!





Last group picture! Kakamizz kau guys! Kita Kitz sa dAan jejej

Labels:

0 Comments:

Post a Comment


Ibat'-iba na ang aking mga napupuntahang mga lugar, khit mshado akong mahihilohin sa biyahe kinaya ko para makita lamang ang mga magagandang tanawin dito sa bansang pilipinas (asus mshado n i2ng tagalog ah! hehe)

Caption: By Kuya Jok jok (view sa taas ng Makiling)

Una na rito ang pagpunta ko sa Art Center sa may itaas ng Bundok Makiling. Nagkaroon kami ng Youth Day Local at dinaluhan ito ng napakaraming kabataang may iba't - ibang sinasalihang organization.



Caption: By Kuya Kenneth

Kasali n dyan ang paghiga namin sa damuhan kasi hindi naman kami kasya sa loob ng auditorium ng art center eh. Kaya ayon mukhang suman sa field kaming lahat! Buzy si Kuya Zaldy (ung nakadilaw)

Caption: By Kuya Kenneth

Hindi mawawala dyan ang pikturan sa loob ng auditorium, kakatapos lang po ng misa niyan! h0ho (with vina, ako, and adrian)



Caption: By Kuya Kenneth

Worship Time! (si Berong natulala yata?)





Caption: By Kuya Kenneth

Kakatapos lng naming kumain ng lunch niyan! Yum yum =D







Caption: By Kuya Kenneth

Picture Picture with the blue sky! hayzz pauwi na kme






Caption: By someone hehe di ko kilala ung nagpikture samen pero digicam ni Kuya Kenneth ang gamit

Yan po ang Art Center..






Caption: By Kuya Kenneth

Habang nagllakad pauwi galing Art Center! Aba pagod na kami niyan at may gana pang magpapicture! Habulan ba naman sa paalon na daan ng papuntang Art Center hehe





Tnx to Kuya Kenneth at sa digicam niya kaya ako nagkaroon ng picture from the adventure sa Art Center! h0ho

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Tuesday, March 10, 2009

Sa agos at takbo ng aking buhay hindi mawawala ang mga biyahe! Mga biyaheng ayaw na ayaw kong gawin pag masama pakiramdam ko! anuba!

Alam nio na! isa aq sa mga taong hindi pinagpala ng matibay na sikmura kapag nasa biyahe na.. hindi ko tuloy na-eenjoy ang sightseeing sa daan kxi naman tinutulugan ko..haizz


Caption: PJ Bayani Photography (tnx kuya!)

Isa na dito ang pagpunta sa Malayan College! hay nakakaloka talaga kahit sa cabuyao lng yon hilo kaagad ako..kasi naman pinagsamang ug-og ng sasakyan, nakakagalet na traffic at dumi ng usok na nanggagaling sa mga tambutsio ng mga sasakyan..



Caption: @ the Art Center for the Youth Day Local


Sa may UPLB dinaan ko na lng sa kakadaldal..blah blah blah para di masuka (yuck!) Papunta kami sa Art Center Non for the Youth Day Local (hanapin mo nlng aq diyan!)



Caption:@ Kapayapaan Hs

Then sa Kapayapan Hs for the Lakbayan Camp 2log ang katapat! haha


Pagdating sa mga swimming laging present..pag sa biyahe hala ka di mo talaga aq makakausap ng matagalan talaga..



Caption:@ pagsanjan

Kahit nakarating man sa victoria hanggang pagsanjan aba hilong hilo na aqng talaga!


Pagpunta sa Perpetual, dinaan ko nalng sa pagkain ng chitchirya..

Sa ngayon, pinagaaralan ko ng masanay sa pag-biyahe kasi sa mga darating pang mga panahon ay mas lalo pang maraming lugar ang aking papupuntahan..

Naalala ko pa nga noon na kapag nararamdaman ko ng nahihilo ako tinutusok ko lang ng kuko ko ang aking mga daliri upang mawala turo sa akin iyon ng aking guro..minsan tumatalab..tinesting ko na rin ang pagamoy sa balat ng dalandan..anu ba ang dami dami talagang paraan..Kahit nga sa gamot sinubukan ko na

Sa susunod na mga posts ko makikita niyo ang mga lugar na nasa litrato sa itaas na akin nang napuntahan..ABANGAN!

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Sunday, March 8, 2009


Caption: www.mcl.edu.ph

March 6, 2009, Friday - kaloka to the max kailangan kong magreview for the upcoming exam sa Malayan College.

I refer to our National Career Assessment Examination (NCAE) Reviewer, pero wala siyang correct answers kaya di ko alm kung tama ang mga pinagsasagot ko.. hehe

Halos gabi na rin ako nakapagreview for the exam kaya todo hanap ng reviewer sa internet. So I catch up some sites that has some reviewer for the college entrance exams.

May nakita akong mga reference from the site, it compose of Diagrammatic Reasoning - , Concentration, Mechanical Reasoning , Numerical Reasoning, Verbal Comparison , Verbal Ability Spelling, Verbal Ability Word Relationship,Abstract Reasoning, Data Interpretation, Data Checking, Fault Diagnosis, Numerical Computation, Numerical Estimation, Spatial Ability, Verbal Critical Reasoning & Verbal Ability Word Meaning, hay naku ang dami noh pero di ko pa naman nasasagutan lahat buti na lng may correction ang bawat isang test, hehehe ako pa wise ata 'to.

Then di pa ako nakuntento, naghanap p aq ng iba pang mga sites, may nakita pa aqng isa pa UPCAT reviewer naman, about to sa Mathematics Volume 1 hindi kasi pwede ang volumes 2-10 sa site na yon so kinuha ko na lng ung vol. 1 kasi nahihirapan rin naman aq sa math kaya yon pinagtiyagaan ko ng sagutan kahit walang correction.

May nakita pa akong isa, haizz nakakaloka na ang dami dami ko ng reviewer, Accuplacer Sample Test for Students naman ang nkita ko..

At eto pa alam nio kung ano pinaggagawa ko iprint ko lahat! haha Sandamukal ang scratch paper ang ginamit ko sa pagpiprint buti di naubos ang ink hehe..

At di pdin natatapos ang kalbaryo ng lola niyo, sinagutan ko pa ang mga reviewer! di na nakakaloka.. loka-loka na talaga ako its around midnight na at di pa din aq natutulog eh kinabukasan na ang exam ko, kaylangan ko pang gumising around 7:30 a.m para makapag-ayos ng sarili, kumain at everything...

Halos lumuwa na ang mga mata ko sa pagbabasa so inisipan ko na lng na magpahinga na ng tuluyan..Amen :)

Around 7:00 a.m nagising na ko, then i go to take a bath kahit sa banyo dala ko ang mga reviewer ko noh haha!

Then nagising na ang pudra at mudra ko, at pinatitigil na akong magreview at baka masahdo akong mastress.. kumain na lng aq ng breakfast then nagayos na ng sarili..

At ang kabagal bagal kong ina ay pinagiintay an aking ama na nagsusungit na naman.. hehe naandiyan na kasi ang tricycle at di pa tapos sa pagpapaganda.. di pa nga nagsusuklay eh hehe

Then sumakay kami ng tricycle papuntang dating Mcdo and sumakay ng jip papuntang pulo exit.


March 7, Saturday, 9:00 a.m I'm going to take a entrance exam, nandon na kami sa malayan at dumaretso sa admission office upang magparegister don..

Ang dami kong kasabay, pero kahit madami ako pa den ang nauna sa pila shempre laging handa ang bruha may sagot na kaagad ang form ko kaya ayon nauna at pagbabayad ng entrance fee.. hehe

Then pinapapunta na kami sa rum 300 para magtake ng exam, ahh bongga sabi ko ang daming rooms muna sa second hanggang 3rd floor at eto pa kada floor may guard station..

Habang nagiintay sa room 300 pinalipat kami ng room 202 naman daw kaxi nandon ung proctor namen.. ang loka kong ina itinuturo sken ung pagkain n nasa labas ng room libre naman yata kasi kinukuha lng ng iba kong kasamang mag-exam..

Then pinapunta ang mga parents sa room 300 para magorientation about the school at kami don sa room mageexam..

Before the exam may pinakita muna sa aming presentation about the college.. at ako patalino epek nagbabasa ng reviewer habang nagpapalabas hehe pasaway talagah!

Exam time, binigay na sa amin ang questioneer, scratch paper at answer sheet.. then the battle begins mayroon lang kaming around 2 hours para masagutan lahat ng questions..

Ang nakakaloka iniwan kami ng proctor sa room at hindi kami binabantayan! Sabi ko baka may Hidden Camera don at nakikita kami kung nagkokopyahan kaya ako tuloy hindi man lang makagalaw ng tingin sa mga katabi ko at baka mahuli ako ng imaginary hidden cam.. Ang napansin ko lang sa katabi ko aba at ang bibilis mag exam!

Sa tagal namen sa room 2 hours kaya nio yon! nanigas na ako sa lamig aba naman may aircon na additional electric fan pa!

Ng natapos ang time isa isa na kaming nagpasa ng mga answer sheet at scratch paper namen..

Then bumaba na ako, punta naman kami ng canteen ng school, aba at kay ganda ganda may 2 papasukang pinto ka pa para marating ang loob ng cafeteria.. aba bongga! ang daming paninda at mga stall sa loob kaya lang ang mamahal, nakupo! Donut na lng ang binili at 12 onz na ice tea..

Then umuwi na kami.. sakay ng jip, tricycle..then bagsak sa higaan, TULOG ang lola nio! haha

Next topic sa BLOG ko, Biyahe..

Labels:

8 Comments:

Jeeen! nagtake k pla sa MCL. d k dun mag-aaral? sayang. haha. jan ako ee magaaral ee..

By Blogger Erika Nase, at June 8, 2009 at 11:30 PM  

To erika --> haha dun kba? yeah ngtake po ako pasado n nga ih kxo ung scholarship ang kinukuha ko haha! Sayang makikita sana kita dun ahaha

By Blogger Jennie, at June 9, 2009 at 4:16 AM  

haha. nagtake dn ako ng scholarship dun. kaso d umabot sa 10. ang onti ng kinuha ee. haha. sayang nga. eh san kna magaaral?

By Blogger Erika Nase, at June 9, 2009 at 7:40 PM  

Sa City College of Calamba, tga san kba erika?

By Blogger Jennie, at June 10, 2009 at 1:46 AM  

sa Sta.Rosa, Laguna. ikaw b? haha.

By Blogger Erika Nase, at June 10, 2009 at 2:15 AM  

Calamba Laguna po :D

By Blogger Jennie, at June 10, 2009 at 6:36 AM  

aah. haha. malapit lapit n rin. may H1N1 n jan aa. xD

By Blogger Erika Nase, at June 10, 2009 at 10:21 PM  

Uo sabi nga daw tsk!!

By Blogger Jennie, at June 11, 2009 at 2:09 AM  

Post a Comment



Mabuhay mga kaBLOG! Jennie Rose Nebalga here.
Welcome to my very first BLOG ever!

This is my very first blog and first post na rin!
Speaking of blog. Require kasi sa school, ICT Subject kaya nakagawa aq ng sarili kong blog, but even if na require naririnig ko na rin ang tungkol sa mga blog, pwede din daw magkaPERA sa blog by the adverticing. Exciting noh!

Pero di naman ibig sabihin non na nagustuhan ko ang pagboblog because of money, gusto ko rin malaman niyo about me, my personal life being alive di ba ang taray! english yon.. hehe

Usually, titesting ko nang magBLOG about sa mga quotes, pero parang hindi mashadong maganda, so i tried my personal life to share with others.

Kasi gusto ko din maexperience some challenging stuff.. so that I can learn more about the world I am living.

Na-inspire aqng magsulat d2 sa blog na about sa daily life and activities because of John "SWEET" Lapuz because parang ang sarap basahin ang mga ginagawa sa showbiz life, about the outdoor going and many more..

Then I hope sa mga next posts ko,it is even more exciting!

And sana magkaroon din aq ng mga friends out there!

Thanks for reading! Please tell your friends to check out this BLOG. I hope that we will get to know each other guys!

Labels:

0 Comments:

Post a Comment